Monday, September 01, 2008

On oversleeping, dieting and getting freebies

Today I woke up at 7:45 am realizing that my work starts at 7 am. I blamed my cellphone's alarm for not doing its part. Pero sa totoo lang, hindi ko na naman narinig ang nakapaligid sakin habang ako ay natutulog. Bakit ganun? Paminsan, feeling ko umaalis talaga ako ng conscious level pag natutulog ako. Sooobrang wala akong nafifeel. Kahit nagearth quake na habang tulog ako, or bumabagyo, or nagbrown out, or nagvivideoke ang kapitbahay, or nag-away na sila dahil parehong pangit ang boses nila.

Anyway, I called up work to say that I was already on my way to work.. around 8:05 nag-aabang na ako ng bus. Around 8:50 hindi pa din ako nakakasakay!! Mas matagal pa ung ligo, bihis, patuyo ng hair, ayos ng bag, ayos ng bed at pag patay ng lahat ng ilaw at paghila ng electric fan sa saksakan kaysa sa pag-aabang ng masasakyan. Well, pwede naman siguro talagang mak.. kung ipipilit mo ang sarili mo kaya lang parang nakasabit ka nalang sa nakasabit na tao sa bus so I felt na dalawa lang ang choice ko, to be super late for work.. or mamatay ako or worse, magalusan ng sobra sobra sa pagkakahulog sa bus!! (worse talaga?? hehehe)

Pag dating ko sa work, eto ang nakita ko sa workstation ko.


Sobrang kulit ng boss ko. Nagsorry ako at maniniwala na sanang galit talaga siya kung hindi lang ang pangit ng sulat niya. Pano mo naman seseryosohin diba? Joke lang serrr! :)


So anyway, I'm trying to go on a diet now. TRYING. Hirap e. Kasi kausap ko ung pinsan ko the other day:
Aimee: Ate ja, ang taba ko na ngayon, tumaba ako no?
Ate Jaja: OO, tumaba ka. Ang laki kaya ng tinaba mo. Ano bang nangyari sayo at tumaba ka ulit eh dati pumayat ka na tapos ang taba mo na naman!

Aimee: (TULALA Mode)

Well, ganun talaga pag opinionated ang buong pamilya mo. Medyo masasanay ka na. Pero after two days, eto I'm still determined to lose weight. Hay.. so kahit na hindi ako masyado makakain ngayon, ang dami naman nagpapasama sakin kumain sa pantry, bibili ng food (PURE TORTURE). So eto naman ang masokista in me, sama lang ng sama. Buti nalang talaga malayo layo ang Dairy Queen dito sa office. Nakakainis. I was trying to dispel the law of diminishing marginal return by eating more and more of it.. baka pagsawaan ko kahit papano? I've tried to make this post a number of times kaya lang whenever I go to DQ's website nakikita ko tong mga to:



Nakakadistract naman talaga diba?

On my way out of the office, may pumasok na isang guy.

Guy: Excuse me, andito ba si Miss I-mih? (Bisaya version of my name)
Aimee: Ako yun! Baket?
Guy: Aah I'm from Colgate po Maam. (sabay labas ng isang wrapped gift at bigay sakin)
Officemates: (sabay-sabay) WOoooooOoooW!!
Aimee: Yey! I have a gift?
Officemate: Bakit?

Bakit nga ba? Well to sum up everything, ung binili namin na colgate toothpaste sa cheapetiks na grocery sa amin sa Cavite may termites (anay) ung loob ng kahon and medyo nakarating na siya sa tube mismo. Although, hindi naman ata pumasok sa toothpaste, nakakadiri pa din siya. Meron pang gumapang sakin na termites. I reported it dun sa number sa box nila yesterday ang ngayon nga I got surprised by this guy from Colgate.

Opened na ung package kasi na-excite masyado ung officemates ko binuksan na nila.


The Letter (click to read)


Surprise!!!


The Package

For someone who lives for freebies and goodies, siyempre ang saya ko no! It didn't matter na nahingi na ng officemates ko ung iba. Tinirhan ko nalang ung mom ko tutal ninakaw ko lang naman sa house ung original na Colgate ko. Hehe.

Here are a few random things that I've learned

1. Nakakataba talaga ang DQ (Dairy Queen).

Kahit na hindi ka pa maglunch at dinner para you could compensate for eating a 9oz. size Blizzard.
(take note: thats the smallest pa!) Tataba at tataba ka pa din talaga. Kahit anong flavor yan. Mudpie, Rocky Road, Choco Almond, Brownie Temptation, M&M, lalo na pag nagcombo combo ka pa ng toppings! :P

2. 8:00-9:00am ang totoong RUSH HOUR sa umaga.

3. Quality service here in the Philippines still exists, you just need to exert your right for product and service quality. Thank you Colgate-Palmolive.


P.S. Muntik na akong mag-apply sa inyo before, di ko lang alam kung pano. :)
P.P.S Sana dinagdagan niyo na ng Palmolive shampoo! Joke. :)

4. Paminsan, dumadating and work pag uwing-uwi ka na from the office.

No comments:

Powered By Blogger
free counter