Habang sobra ang lakas ng ulan sa labas.. dalawang emosyon ang aking naramdaman. Parang tuwing umuulan lagi akong nakakaramdam ng konting lungkot at pagkaantok. Ang antok ay bagamat natural lang.. pero ang pagkalungkot, paminsan ipinagtataka ko. Siguro dahil may pagkakataon upang ikaw ay magmuni-muni.. At dahil wala naman din akong ibang magagawa, andito na naman ako sa harap ng aking kompyuter. At kung anu-ano na namang website ang aking napupuntahan. Ka-chat ko ang aking kaibigan na si Norbelle. Sa aking college barkada, siya ang lagi naming binibiro na mahilig sa mga walang katuturan na bagay. Sa ingles, mahilig sa mga "nonsense." Bagama't palagi niya itong dinideny.. natawa nalang ako sa pag-uusap namin kanina.
Aimee: alam mo ung guy dun sa commercial ng softdrinks?
Aimee: ung sa free phone..
Aimee: ung sa may pool??
Aimee: crush ko un e
Aimee: i saw a pic of him
Aimee: hotness
Norbelle: d ko matandaan
Aimee: wait pakita ko ung pic
Norbelle: ung face a
Norbelle: aaa
Aimee: ung asa dulo right a
Norbelle: yup
Norbelle: prang may kamukha
Aimee: nalimutan ko ung name niyan e
Aimee: pero parang schoolmate ko yan before
Aimee: tapos lumipat nung high school
Norbelle: kmukha nya ung nasa softdrink commercial
Norbelle: ung sa motorola na fone
Aimee: hayop
Aimee: oo nga no
Aimee: ung sa may pool?
Norbelle: oo!
Norbelle: sya nga!
Tsk. Tsk. Tsk. Maghanap ka ng usapang paikot ikot! Hahaha. Kanina lang nagiisip ako ng kung ano ang pwedeng magpasaya sakin.. hindi pa tapos ang pag-iisip ko.. humahalakhak nako kakatawa. Ikaw na ang magkaroon ng kaibigang mahili sa nonsense!
Di ko na matapos tong entry na ito ng isang matinong pangungusap, mabuti pang matapos nalang bigla.
4 comments:
haha! sira na nmn image ko :P pero kamukha nya tlga yung sa commercial ng pepsi! =))
what image are you talking about? stalker? hehe joke! hay norbs buti you are here to make me laugh.. pareho pa naman tayo sad ngayon. :)
yan ang orig na norbelle... nonsense...
tera ka pala e. pwede namang itype ung name mo.. hindi bawal un! :)
Post a Comment